Posted in poem

Sinukuan

Ito ang araw kung kailan ihihinto ang tibok ng pusong manol.

Iuukit sa kahoy ng kahit anong puno ang sakit at lalim ng damdaming sa oras ay ginahol.

Sa gabi, bago pa pumikit ay tahas tahasang sasariwain ang mga ngiti na pilit ipininta kahit sa mata ay walang nakararating na ningning; mga ngiting ipinaskil habang ang bibig ay nagsisinungaling sa kasasabing, “Kayong dalawa ay perpekto…”-Puta, kay sakit.

Tatahimik…

Tatahimik…

Tatahimik ang pag-asa…

Kasabay nito ay ang pag pwersa sa sarili na simula ngayon, sa araw na ito; ika-tatlo sa buwang kung kailan ang mga nobya ay nakaputi, tayong dalawa ay tatayo sa altar ng katotohanan, suot ay manipis na lubid, balat kailanma’y hindi magdidikit, mga kamay ay magkagalit, walang pangungusap ng mga tumititig na mata ang uunawain, sapagkat ito, ito ang araw… ang puki ng inang araw, na hanggang kaibigan na lamang ang turing sa taong pinagnanasaan ng pusong makatas kung umibig.

 

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivatives 4.0 International License.

Advertisements