Posted in Journal

A Borta to Remember! 

Dahil mahilig ako sa long walks,  naisip kong bumaba sa La Joya at lumakad pauwing bahay.  Mga 6:30 na ng gabi at madilim na konti. Nakita ko na may nagja-jogging na makakasalubong ko.  Nung malapit na siya,  na-realize ko na si kuyang borta pala iyon na nakakasabay ko din tumakbo kung madaling araw!  Dahil maharot ako,  umawra ako ng lakad.  Kendeng kendeng ganyan.  Pero may natapakan akong madulas!  Ayoko nang isipin kung ano ‘yon.  Basta ang alam ko,  tumama ang tuhod ko sa simento.  Sakit bes!  Maya-maya,  nakita ko na ang pares ng machong mga binti sa harap ko.  Omgggggg!  Nung mga panahong ito feeling ko lumipad yung bra ko sa sobrang kilig!

Borts : Hi!  Are you okay?

Me: (Syempre hindi!  ) Hiii!  I’m Gia.  (Hihihi, ganyan ang mga banat mga beks!)

Borts : (natawa,  nagulat siguro)  I’m Erick.  So,  are you okay?

Me: No.  Only Gia. I’m not okay.

Borts : (Mas tumawa pa)  Okay,  Gia.  Samahan na kita hanggang sa pila ng tricycle,  medyo madilim na dito e.

Me: O sige.

Smile lang ang inoffer ni bakluh mga ate,  hindi ko alam kung bakit hindi ako nagbaon ng madaming madaming punch lines ngayong araw na ito maliban sa pangalan ko.  Nung nasa pilahan na kami ng tricyle:

Me: Sige,  thank you.

Borts : Kaya mo na dito?

Me: (Tango tango)

Borts : (sa driver)  Kuya,  pahatid nalang ho siya sa..  (Tingin sakin,  nagtatanong)

Me: Sa may diyan lang kuya,  turo ko nalang sa’yo.  (At saka sumakay na si atez)

Pasensya kana kuyang borta at hindi ko binigay ang address ko.  Iba kasi yung iniintay kong dumalaw sa bahay.  Hahahahahah!  Pero palagi ko pong maaalala ang long walk natin na ito.  Ang ganda ganda po ng braso niyo.

©GiaMarie. 2017

Posted in One Act Play

Sinta

​Mga Tauhan 

Ama

Sinta
*Makikita ni Ama ang anak na nakaupo sa may putol ng troso ng puno at nakatingala sa langit. Lalapit siya rito.  Tatayo sa likuran ng dalaga,  pagkakabitin ang mga kamay sa likod at saka titingala din sa langit. 
Sinta : Ang sabi mo ay hindi ako maaaring maghangad ng hindi sa akin. 

Ama : Siya nga. 

katahimikan 

Sinta : Wala na bang magagawa upang mabago ang iyong utos? 

Ama : Sa anong dahilan? 

katahimikan 

Ama : Nitong nakaraang mga araw ay ginugugol mo ang oras mo sa pagtingala sa kalangitan. 

Sinta : Hindi ko hinahangad ang Langit, kung iyan ang iyong iniisip. 

Ama : Mapanghusgang dilag. 

Sinta : Matalino ho lamang, Ama.  

Ama : Maganda ang langit. 

Sinta : *tatayo, haharap sa Ama * Higit akong marikit sa ating tinitingala. 

Ama : Bakit? 

Sinta : *saglit na maguguluhan* Dahil ako’y iyong supling! 

Ama : Bakit? Bakit ika’y naiinggit sa Langit? 

Sinta : *Magbababa ng tingin

Ama : Pag-ibig? 

Sinta : *Mangingimi * Wala na bang…paraan.. upang mabago ang iyong utos? 

Ama: Natatakot akong wala na nga. 

Sinta : *dahan dahang titingin ulit * Kung gayon ay hihingi ako ng patawad.  Araw-araw kong ihihingi ng paumanhin na ako ay umiibig sa isang bagay na hindi sa akin.  Alam kong mahirap na karibal ang Langit ngunit…  Nakamamatay ang pagsintang nakatali!  Patawad, Ama.  Ngunit umiibig ako sa Bahaghari. 

Ama : *tititig * Magtanong kang muli ng maka-tatlong ulit. 

Sinta : *magtataka * Para saan pa? Gayong pareho lang naman ang aking maririnig. 

Ama : Akala ko ba ay matigas ang iyong ulo? 

Sinta: Kung gayon Ama.  Wala na bang paraan upang mabago ang iyong– 

Ama: Mayroon. 

Sinta: *manlalaki ang mga mata,  nag-aaban

Ama: Sumuway ka. 

Sinta: Ama?  

Ama: Suwayin mo ako. Tapos na ang mga araw ng pagiging masunurin. 

Sinta: Ngunit.. Ako ay hindi nilikha upang sumuway, Ama. 

Ama: Siyang tunay. Ngunit mas lalong hindi kita inanak upang gawing tagasunod lamang ng aking mga bilin. Sa iyong pagsuway sa akin,  ang puso mo naman ang iyong susundin.  Hindi ba’t ako ay nariyan din? 

Sinta: Ama. 

Ama: Mabuhay ka ayon sa iyong pangalan.  Humayo ka at umibig. Ibigin mo ang Bahaghari. 

©GiaMarie. 2017

Posted in Journal

DETA Revival: The Magic Four

Last year, I decided to make a big decision in my life; to take a Master’s Degree in Drama Education and Theater Arts at Philippine Normal University with three of the bravest souls I’ve known; Mar Zeus Katigbak, (a forever classmate since first year college, I was like “Eww, hanggang dito ba naman Zeus?), Joe Louie Lavaro, (the greatest kuya of all who lend me 500 pesos when I ran out of budget for our first enrollment, proud pa ‘ko e.) And of course, Ann Katherine Corpuz, (the ‘ate’ in age but not in size, immune ang katawan niya sa taba! Lakas maka-teenager. LOL)

I just thought of writing an entry about how we were able to push the program because we’re awesome! Char. Hahaha! Seriously, I think we are in a beautiful journey right now. Reviving this program was really a challenge- a beautiful challenge that we all agreed to pursue because of one thing: passion.

And when a person is passionate, he can bring anything back to life- DETA is a proof!

Of course we can’t do it alone, we asked the help of Dr. Gina O. Gonong, (our former professor in Linguistics and Reasearch,) to help us arrange our request form. Kuya Louie was the one who communicated with her during those times, (Zeus and I can’t talk to her highness, hahaha! We’re shy. Geez! Love you, Ma’am G!) After filling up all the information needed, the next thing that we had to do is to get our adviser sign the form in two days. Well, we had time pressure, dear. Hohoho!

Question: What will you do if you have to get a paper in your hand, (and your hand is attached to your gorgeous body and your body is in Manila,) signed by someone who is in Tagaytay? (Of course you want it done properly  so you won’t ever think of faking the signature, right? RIGHT? LMAO)

Answer: When a person is passionate, he can bring anything back to life. So you travel from Manila to Tagaytay.

Not that far my dear, but for someone who’s never been in Tagaytay, that must be something! Hahaha! Don’t you worry, I prayed the rosary for directions.  (I had to do it alone ’cause my place is the nearest in both Manila and Tagaytay. 🙂 )

Our adviser is Prof. Leigh Ann Corpuz. Zeus and I already know her because she was our Professor in Community Theater during undergrad.She’s very approachable, talented, but also strict at the same time. Knowing these things about her made us all excited and, well, nervous. LOL – Oh, and yes, her signature was the key to finally pass the paper. Hoho

Then the waiting game began.

I guess we all come to a point where waiting make us all wanna quit. But because we’re amazing, we didn’t! Hahaha! The key to being amazing is to love waiting. Because sometimes the moment when we’re about to quit is the very moment when we’re gonna get what we really, really want!

While other graduate students enroll, we were still waiting for the approval of the Dean. Kuya Louie had to make several phone calls to know the result. After two gracious weeks of waiting, he informed us that the office had approved our request. Yeeesh! It was all worth it!

The four of us met on the day of enrollment where we found out how petite Ate Ann Katherine is. Hahaha! And becoming close to each other seemed to be an easy process because, hello! We’re all “buang” in nature!

So to end this entry, I would like to encourage those who have a rare passion, to not be afraid of pursuing what makes you happy. Taking a Master’s Degree is never easy, but it is surely fun if you’re doing what you love.

Remember: When you are passionate, you can make and share a life!- Magic Four is a proof! 🙂

© Gia Marie, 2017

Posted in Journal

Writer’s Poetics

Bakit ka nagsusulat?

Ito ang unang beses na sasagutin ko ang tanong na ito. Kahit na madaming beses na itong tumakbo sa isip ko noon.

Hayaan mo akong magkwento sandali.

Unang beses akong sumulat noong nasa ika-limang baitang ako. Pinupuno ko ng tula ang school diary ko na dapat sanang pinagsusulatan ko ng aming mga takdang aralin at proyekto. Tula tungkol sa pag-ibig, kahit na wala pa akong alam na kahit na ano tungkol dito. Siguro kung naitago ko ang diary na ‘yon at mabasa ko ulit ang mga nasabing tula ay matatawa ako at mapapangiwi sa kung paano ako nag-astang makata sa isang bagay na hindi ko pa nararanasan noon. Naisip ko tuloy ngayon, hindi pala kailangan ng karanasan para makapagsulat. Natatawa ako.

Noong bagong taon ng 2015, habang sumasayaw ang mga paputok sa kalangitan, umaawit naman ng hika ang hininga ng Nanay ko. Iyon ang unang beses na nakita ko siyang iniinda ang paghinga, at masakit iyon sakin. Habang hinihintay ko siya sa lobby ng ospital ay nakapag-sulat ako ng tula ng may apat na saknong. Tula kung saan nakapaloob ang sakit at takot ko nang makitang magkasakit ang Nanay ko. Matagal ko nang alam na kailangan ng tunay na karanasan upang makapagsulat- simula nang mangyari ito.

Ang dami kong hanash, so bakit nga ba ako sumusulat? Maaaring magbago ang sagot ko sa tanong na ito sa hinaharap pero sa ngayon, masasabi ko na sumusulat ako para makunan ng larawan ang mga emosyon at imahinasyon ko. Matagal ko nang ginawang lente ang lapis ko, at mahilig akong pagsirku-sirkuhin ang mga salita hanggang sa mahuli nito ang emosyon at imahinasyon na hindi ko sinasalita sa iba bukod sa sarili ko. At kapag nagagawa ko ‘yon, shet, suryal!

Paano ka nagsusulat?

Pinaghahandaan ng mga Nanay ang unang araw ng pagpasok ng anak nila sa kinder. Sa bahay, tinuturuan na silang magbilang hanggang sampu o minsan ay hanggang isang daan pa, (hanggang labing isa lamang ang nakabisado ko.) Pero ‘wag nating pag-usapan ang pagbibilang, dahil mas natutuwa akong alalahanin kung paano ako natutong magsulat; hahawakan ng nanay ko ang maliit kong kanang kamay at dahan dahan kaming susulat ng mga letra na kalaunan ay mapagtatanto kong pangalan ko pala. Pagkatapos ay saka niya ako susubukin at sasabihing, “O sige, ikaw naman.” Makakaramdam ako ng munting kapangyarihan sa tuwing sasabihin niya ito. Ililipat ko ang lapis sa kaliwa kong kamay at saka susulat ng mga kaparehang letra. Mas mabilis- mas malinaw. Marunong ang kanan kong kamay, pero magaling ang kaliwa.

Noong ako ay nasa sekondarya, hindi masyadong matataas ang mga grado ko sa mga sanaysay at tula. Mahilig daw akong gumamit ng salitang balbal sa formal theme, at hindi ‘raw magkakasukat ang mga saknong ko sa tula. Pero alam kong magaling ako sa rhyming words. Ewan ko kung bakit hindi nila pinuri iyon. Hindi ko naman kinwestiyon ang standards ng aking mga naging guro, katulad ng hindi ko pagtanggi sa arm chair na para lamang sa mga right handed students.

Kahit malikot ang imahinasyon ko at kahit makulay ang mga karanasan ko, masasabi kong kaunti pa lamang ang alam ko sa pagsulat, o maaari ngang wala pa. Pero sumusulat ako sa kaparehang paraan ng kung papaano nagpipinta ang pintor.

Magaan. Makulay. Makahulugan.

Para kanino ka nagsusulat?

Ito ang multimillion worth of question para sa akin! Hindi ko alam kung magpapakatotoo ako o mambobola. Pero dahil hindi ako magaling sa persuasive essay, doon tayo sa una.

Kahit na ako’y guro, hindi ko masabing nagsusulat ako para sa mga estudyante ko. At lalong hindi para sa eskwelahang pinagtatrabahuhan ko. Hindi parating maganda ang isinusulat ko, at hindi parating kabutihan ang gusto kong ipakita.

Gusto kong isipin na nagsusulat ako para sa mga taong hindi mailabas ang kanilang saloobin, katulad ng kung papaano nagsulat si Rizal noong panahon ng Amerikano, ay, ng Hapon pala. (Muntik na akong bumagsak sa history noon.) Pero natatakot akong hindi iyon ang gift ko. Hindi rin ako ganon katalino para sumulat ng isang satirical play para katukin ang puso ng mga tiwaling pulitiko, pero gustong gusto ko sana noon.

Madalas, nagsusulat ako para sa sarili ko. Hindi para malibang, kundi para mag-iyak ng emosyon at imahinasyon. Paulit ulit man pero totoo ito. Napaka-liit ng utak ko para ikulong lamang ang mga ganitong bagay, lalo na’t alam kong magaling lumimot ang isip ko, katulad ng kung papaano ko nakakalimutan kung hihilain ko ba o itutulak ang pinto kapag nakakikita ako ng push o pull na signage.  

Mas madalas, nagsusulat ako para sa mga taong malungkot at pagod; sa mga taong hindi magaling sa science pero mahilig sa buwan at mga bituin, sa mga taong higit pa sa numero ang kayang bilangin; sa mga taong hindi nagmamadali sa byahe at mahilig umakyat ng puno, nagsusulat ako para sa mga kapwa ko makata.

© Gia Marie, 2017