Posted in poem

Sawsawan

Pasukin natin ang platito!

At dito bumuo tayo ng lasang- atin.

Maasim. Maalat. Maanghang.

Bawal.

 

Pasukin natin ang platito!

Dito ay lilikha tayo

Ng mundong sa atin lang iinog-

Masikip. Makitid. Madamot.

 

Pasukin natin ang platito!

Magtanggalan na tayo ng buto!

Paghaluin ang ating katas

Pero teka, ano bang mabubuo?

 

Wala.

Naglolokohan lang tayo.

 

Pasukin natin ang platito!

Nahihirapan ako.

Mag-iisip ka pa ba?

Oo. Hindi- ako- makahinga

 

Pasukin natin-

Masakit-

Sige na-

Mahirap-

 

Akala ko ba-

Akala ko rin-

Mahal kita-

Akala ko rin-

 

Dito ka lang

Sa platito natin-

Ako ba ay-

Iiwan rin?

 

Patawad.

Lalabas na ako-

Sa platitong

hindi atin.

 

Hindi ako para sa atin

Hindi ako para humati

Sa sawsawang

hindi sa akin

 

© Gia Marie, 2016