Posted in One Act Play

Kulu-Kuluan: Scene 2

SCENE 2

BABELYN: (Papasok sa kusina, hawak-hawak ang cellphone, seryosong seryoso ang mukha, magtitext. Papasadahan ng basa ang tinype na mensahe.) Meseyj-sent. Ayan.

(Biglang papasok ang dalawang anak na naka-uniporme na. Nagsisikuhan. Agad n’yang itatago ang cp.)

DAMSEL: Hi Mama.

BABELYN: (Naka-simangot)

DAMSEL: E may sasabihin po si ate e. (Sisikuhin ang kapatid na halatang nagulat)

BABELYN: Bakit? Naalala n’yo na ba?

RANA: (Kakamot ng ulo) Ehhh. Opo eh.

BABELYN: Oh, ‘yun naman pala eh. (Pabulong) Gusto pa nagagalit ako eh.

(Ilalahad ng dalawa ang mga palad sa tapat ni Babelyn)

BABELYN: O ano ‘yan?

RANA: Mama, baon po namin. (Ngingiti)

DAMSEL: Sorry Ma, nakalimutan naming magsabi eh. (Hindi makapag-salita si Babelyn dahil sa pagkayamot at dismaya)

RANA: Mama, ano na po? Male-late napo kami.

BABELYN: (Madiin) Wa-la a-kong pe-ra.

RANA: Hala Mama, garabe ka naman. (Tatalikuran ni Babelyn ang mga anak at magpapaka-busy sa mga hugasin sa lababo habang bumubulong)

DAMSEL: Anong sinasabi ni Mama?

RANA: Ewan! Basta ang alam ko may pera yan eh! Nagbayad na kaya si Mang Kusing kahapon. Hmp!

BABELYN: Wala nga akong pera eh! Diba binibigyan ko naman kayo ng sobra sa allowance n’yo? Dun muna kayo kumuha.

DAMSEL: E kasi Mama e.

BABELYN: Kita n’yo na! Gustong-gusto n’yong makipag-date, e WALA NAMAN KAYONG PERA! Hay nako!

(Sa puntong ito ay papasok ang isang lalaking 5’11 ang tangkad. Moreno ang kulay ng balat at may katawan ng isang atleta, kitang kita ang malaking pagkakahawig nila ng bunsong anak)

RAPHAEL: Allowance ba mga anak?

DAMSEL at RANA: Papa! (Hahalik at yayakap sa ama)

RAPHAEL: O ito nang allowance n’yo. Tig-isang daan kayo d’yan.

BABELYN: Tig-isang daan?! E bente lang naman pamasahe ng mga ‘yan balikan ah?

RANA: Thank you Papa! Damsel! Tara na dali!

BABELYN: Anong tara na- tara na? Tirahin ko mukha mo dyan eh! Akin na ‘yang pera.

RANA: (Ngunguso, kakapit sa braso ng ama) Hala, Papa o.

RAPAHEL: Love, hayaan mo na.

(Sesenyasan ang mga anak na lumakad na. Agad namang hahalik ang mga ito sa Ama. Lalapit din sana sa kanilang Ina upang humalik ngunit ilalayo nito ang pisngi sa kanila, naka-bungisngis pading aalis ang dalawa.)

DAMSEL: Ba-bye! Magmahalan kayong dalawa!

***

Itutuloy

© Gia Marie 2016 All Rights Reserved
Protected by Copyscape

Advertisements

Author:

Daughter of Poseidon l Teacher l Playbacker l Theater Enthusiast l Poet l Playwright l Cat Lover l Cat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s