Posted in One Act Play

Kulu-Kuluan

One Act Play

March, 2013

 

Kulu-kuluan

Written by: Gia Marie S. Ensima

 

“A mother may always know what’s best,

But her family will always want her to be happy.”

 

 

CHARACTERS:

BABELYN ROSELL- 50 years old na Ina nila Rana at Damsel, padalos dalos magsalita at may pagka-selosa.

RANA ROSELL- 18 years old na anak nina Rapha at Babelyn, makulit at childish  ngunit malambing.

DAMSEL ROSELL- 15 years old na anak nina Raphael at Babelyn, mas dalagang kumilos kaysa sa panganay na kapatid.

RAPHAEL ROSELL- 46 years old na asawa ni Babelyn. Malambing na asawa at ama.

 

 

 

PROLOGUE:

(Madilim ang paligid, ilaw lamang sa isang malaking flash light na hawak ng isang babae ang naka-sindi. Matatantsa na nasa edad singkwenta ang babae. Mataba at maputi ang balat nito at may nakalagay na facial mask sa mukha. May isinusulat ito sa lamesa, maya-maya ay humihinto ito sa pagsulat at titingin sa kawalan na para bang may malalim na iniisip, saka biglang bubungisngis at saka susulat ulit.)

 

BABELYN: Sobrang bisi ngayong araw! Ngayon lang tuloy nagka-taym na gawin ‘to. (Titingin sa pintuan) Hindi nya naramdaman na bumangon ako ah. (Bubungisngis) Ay nako! Nakaka-excite naman ‘tooo! Mmm. Teka, ano pa ba? Ah! Keyk! Makaroni! Spag-heti! Salad! Tinola! Taho! Balut!- balut? (mag-iisip ng malalim) Sa’n ba nakabibili ng isang basket ng ganon? Gusto kaya nila no’n? May nagke-keyter kaya ‘non? (mag-iisip ulit ng malalim) Eh bakit ba? Araw ko naman iyon eh. (mag-iisip ulit) Maalala kaya nila? (kukumbinsihin ang sarili) I’m syur, maalala ako ng mga iyon. (Hihinga ng malalim saka biglang tatayo, hawak hawak sa kanang kamay ang flash light kaya’t tututok ang ilaw nito sa mukha n’ya. Ididipa ang mga braso at aalog ang mga taba nito) Disis it! Layf begins at fipty! (bubungisngis at saka hihikab. Aalis)

 

SCENE 1

Madaling araw sa kusina ng pamilya Rosell. Isang malinis na kusina sa unang tingin. Mayroong pintuan sa ibabang bahagi ng kusina patungo sa sala at mga kwarto, at isa pang pintuan sa bandang likuran sa kanan na bahagi patungo sa bakuran ng bahay. Ang buong lugar ay pininturahan ng puti, mapapansin din ang kalendaryo na may litrato ni Jesus Christ. Kasunod noon ang malilinis na kagamitang pang-kusina lalong- lalo na ang mga kaserola na masinop na itinaob sa isang shelf, maliban lamang sa lumang takore na mayroong mga mantsa ng uling na mukhang hindi pinag-ayusang kuskusin at linisin. Ito ay kasalukuyang naka-salang sa lutuang katabi naman ng sako na kinalalagyan ng mga uling.

            Papasok ang isang dalagitang nasa edad kinse. Kayumanggi ang makinis na balat, may magandang mukha na namana sa kanyang ama. Kahit pupungas pungas ay makakikitaan ng pino at mahinhin na pagkilos ang dalagita sa pagpasok ng kusina. Masasagi n’ya ang walis na naka-sandal sa dingding at bahagyang kakalat ang mga dumi, agad naman n’ya itong wawalisin at ibabalik sa dating ayos ang pagkakasandal ng walis, saka didiretso sa pagkuha ng plato at magsasandok ng kanin. Saka naman papasok ang dalagang tatlong taon ang tanda sa dalagita. Makikita ang pagkakahawig ng dalawa ngunit may kaputian ang panganay. Kumakamot ang kamay sa may kaguluhan pang buhok. Umuunat at hihikab-hikab itong papasok sa pintuan kaya’t masasagi nito ang walis tambo at muling kakalat ang mga dumi kasabay ng pagka-tumba ng walis.

RANA: (Kukunot ang noo at ngunguso) Hmp! (Mag-tutuloy tuloy lamang sa pagpasok matapos tapunan ng sulyap ang nasaging bagay)

DAMSEL: Oh my… Kita mo nga naman, natumba na, pinabayaan pa! Ano ba naman ‘yan.

RANA: Hahaaaaayyyy… (habang humihikab) hayaan mo na!

DAMSEL: Dugyot.

RANA: Damsel ah, ang aga-aga.

DAMSEL: Ay hindi ba? Itayo mo na kasi ‘yung walis, saka daspanin mo na din ‘yung mga kalat. A-TE! (bibigyang diin ang “ate)

RANA: Eh! (Kakamot sa ulo. Naka-busangot na gagawin ang sinabi ng kapatid) Pustahan tayo hahanapin ni Mama mamaya ‘tong mga kalat dito. Eh mukhang pinag-hirapan n’ya yata ‘tong ipunin at i-preserve eh! Nakaka-inis naman! Nung Linggo pa n’ya ‘to winalis hanggang ngayon nandito padin. (Ngunguso at bubulong) Ako pa tuloy magtatapon.

DAMSEL: Ayan! Patigasan kayo ni Mama. Tingnan mo nga ‘yung agiw sa kisame, nung nakaraang buwan pa n’ya sa’yo pinagbilin e hanggang ngayon nandito parin.

RANA: Hayaan mo na, kawawa naman ‘yung mga gagamba ‘pag nawalan ng bahay.

DAMSEL: Abno.

RANA: ‘Wag ka, mahalaga ang role nila sa ecosystem uy.

DAMSEL:  (Itataas ang mga kamay) O ikaw na ang best in science!

RANA: (Babalik sa pagkaka-upo sa harap ng lamesa at komportableng itataas ang mga paa sa upuan) Pakuha naman din ako ng kanin.

DAMSEL: Okay.

RANA: Saka paki-damihan ang ulam ha.

DAMSEL: (Tataas ang kilay) Maka-utos wagas ah, eh baka gusto mo na din akong swelduhan?

RANA: E anong gusto mo kanin lang lantakan ko? Eh… Tsaka nand’yan kana rin lang naman eh. (Ngunguso  saka pagdiidikitin ang mga palad para maki-usap) Sige na Damselita. Puhleeeease

DAMSEL: Oo na. (Iiling-iling na itutuloy ang pagsasandok)

RANA: (Nilalabanan ang pagpikit ng mga mata at ang pagbagsak ng ulo) Haaaaay! Garabe! Kaantok pa talaga! (Tatayo at pupuntahan ang kinalalagyan ng maliit na radyo at bubuksan ito, ia-adjust ang istasyon sa may malinaw na reception)

DAMSEL: Ayan ate! D’yan nalang kay Martin D!

RANA: (Ia-adjust ang antenna ng radio, tugtog ng budot dance ang maririnig dito, kekendeng ng parang uod pabalik sa lamesa at sasaluhan ang kapatid sa pagkain.) ‘Yan pala ang tugtugan mo ah. (tatawa) O, ang konti naman ng kanin mo.

DAMSEL: E parang busog pako e. (Sasandal sa upuan at pagmamasdan ang kapatid na sarap na sarap sa pagkain. Mapapa-second look ito sa kapatid.) Ate?

RANA: (Ngumunguya) Mmm?

DAMSEL:  (Titig na titig)

RANA: (Puno ng kanin ang bibig) O, ano nga? Sorry nakaka-mangha talaga ‘tong ganda ko e.

DAMSEL: (Magpapa-kawala ng naka-susuyang tingin) Ano ‘yang puti sa gilid ng bibig mo?

RANA: (Mapapahinto sa pagkain, saka dahan-dahang kakapain ang gilid ng bibig) Ah…

DAMSEL: (Tatayo sa pagkaka-upo) Oh myyy! Panis na laway ‘yan no?! (hahalakhak)

RANA: (Bubuka ang bibig para idepensa ang sarili ngunit hindi kaagad makapag-sasalita, makikita ang kanin sa loob ng bibig)

 DAMSEL: (Lalong lalakas ang pagtawa) Ang sarap ng kain mo, ‘yun pala hindi kapa nagmu-mumog!

RANA: (Parang batang magagalit) Manahimik ka nga! (tatalsik sa kapatid ang kanin na galing sa bibig n’ya)

DAMSEL:  Duh! Yuckie ka ate! Sabihin mo nga, mas masarap ba ang lasa ng pagkain kapag hindi nag-MUMOG? (hahalakhak)

RANA: (Tuluyan nang mapipikon at hahabulin ang kapatid, maghahabulan ang dalawa paikot sa lamesa, matatabig ang plato at bahagyang kakalat ang kanin sa lamesa, hihinto sa dulo ng lamesa) Sira ulo ka! Hindi ‘yan panis na laway! TOOTHPASTE ‘yan! (mahihiya) Natuyo lang.

DAMSEL: (Nakatayo sa kabilang dulo ng lamesa, ngingiwi ang mukha) Yuuuuuuck!

RANA: ‘Wag kang OA, hindi bagay. Magpa-puti ka muna! (itataas ang paa sa bangko, ipapakita at tatapikin ang maputing hita)

            (Matitigilan ang dalawa sa intro ng maririnig na tugtog ng love song sa radyo. Magsasalita ang DJ.)

MARTIN D: Mga kapamilyaaaa! Isang malamig na umaga sa inyo! Nako nakooo, kapag ganitong mga panahon talaga mas masarap nalang na… (magiging sexy ang paraan ng pagsasalita) ma… hi..gaaaa..uhhhh.. sa-KAMA, at damhiiiiin… ohhhh… ang…ang K-KAMAY- (mabilis) –ng inyong minamahal! (Hahalakhak)

(Tatawa si Rana dahil sa maririnig at titingnan naman s’ya ng naka-kunot na si Damsel.)

DAMSEL: Wow ha, benta.

RANA: Malakas kasi ang imagination ko.

MARTIN D: Kayo ha kung anu-anong pinag-iiisip n’yo ha! AMININ! (tatawa)

DAMSEL: Si ateee!

MARTIN D:  O anyways, napapanahon na talaga ang kantang ito dahil ngayon ay buwan na ng mga puso!  At bukas? (heart beat) Valentine’s day na! At para sa mga nagpa-plano ng surprise d’yan for their love ones?

RANA: (Mapapaisip) Surprise?

MARTIN D:   Nako, I’m sure mas kikiligin sila kapag pinatugtog n’yo ang awiting ito. Kaya enjoy this song kapamilya! Oras, eksaktong alas-singko ng umaga, dito sa tambayan mo tuwing umagaaa! 101.9, for layyyyf! (At tuluyan nang tutugtog ang kanta)

DAMSEL: (Naka-balik na sa pagkaka-upo, at tinutuloy ang pagkain) Okay na sana ‘tong si Martin D e ‘no, kaso ang ano e no.

RANA: (Nag-iisip padin) Surprise. Oy teka Damsel, yung Manong don sa printing shop? Natanong mo na ba kung magkano ‘yung banner?

DAMSEL: Ay oo nga pala. 499 daw e.

RANA: Tsk. Muntik na mag-mahal ah. Nahiya pa sila gawing 500.

DAMSEL: Oh, dapat magkasya budget. Ilang araw din ako nag-bi-biscuit for lunch. Buti nga may bahaw pa kapag umuuwi ako e. Maglo-lobo pa ba tayo ate?

RANA: Oo naman no, cute kaya!

DAMSEL: Parang bata, baka mas gusto mong mag-birthday hat na din? Flowers nalang kaya?

RANA: Boring ‘yun! Tsaka sensitive ang ilong nun sa mga bulaklak!

DAMSEL: Bakit, may alikabok ba ang bulaklak?

RANA: Wala, pollen meron.

DAMSEL: Wow ha. Best in science talaga.

RANA: (Ngingiti at kikiligin, ituturo ang sarili) FIRST SEC-SHEN.

DAMSEL: So matalino kana dahil first section ka? Maaga ka lang nag-enroll!

RANA: Excuse me, ‘wag mong kinikwestyon ang attendance! 10 percent ‘yan ng overall grading! Dagdagan mo pa ng matataas kong grades!

DAMSEL: (Mamamangha) Napaka-HUMBLE mo talaga ate.

RANA: Naman! English: 94!

DAMSEL: Filipino?

RANA: 92!

DAMSEL: History?

RANA: Ninetyyyy!

DAMSEL: Science?

RANA: 89 nung grade six! (medyo hihina ang boses) 87 nung fourth year.

DAMSEL: Wow ha, kitang kita ko ang pagtaas ng grades mo. Kung iga-graph ko ‘yan, ascending talaga e. (May paghahamon) E math?

RANA: Kumain na tayo.

DAMSEL: Math nga?!

RANA: Pwede ba Damsel! Grades are just numbers! But attendance is attendance. It is a must! (pang-beauty queen na ngiti)

DAMSEL: O sige, ipag-malaki mo pa.

(Maririnig ang pagpito ng takore, kumukulo na ang tubig ngunit hindi ito mapapansin ng dalawa sapagkat ang kukuha ng atensyon nila ay ang malakas na pagbahing na maririnig nila galing sa kwarto)

DAMSEL: (Manlalaki ang mga mata ng isa’t isa) Psssst! Si Mama! (halos pabulong)

RANA: (Ilalapit ang mukha sa kapatid at madiin na ibubulong) Basta, balloons ang gusto ko! (Shift ng emosyon, biglang kikiligin at lalakasan ang boses, kakausapin ang kapatid ngunit halatang may pinariringgan sa loob ng kwarto) Eeeeehhhh! Valentine’s day na pala bukas Damsel! Garabe, kaka-excite no?!

DAMSEL: (Lalakas din ang boses at aktong kikiligin) Ay oo nga! Alam mo ba ate, kahapon, si Vic! Nilapitan ako nung recess!

RANA: (Nabadtrip, madiin at pabulong na magsasalita) Ma-lan-di! Ha-li-pa-rot! Ka-lad-ka-rin! I-mo-ral! Wa-lang ta-kot sa Di-yos!

DAMSEL: (Badtrip din, manlalaki ang mata) Ano ba?! (Ingunguso ang pintuan) Bitter mo kamo!

RANA: (Biglang matatauhan,  mawawala ang pagka-badtrip at sa masayang tono) Woow Damsel! Nilapitan ka na ni Viiiic? Nakaka-kileeeeg! (may panggigigil ang pagsasalita at nanlalaki ang mata) O tapos?!

(Habang nagkukwentuhan ang dalawa ay papasok si Babelyn sa kusina. Sa una ay tuloy-tuloy s’yang papasok para puntahan ang pumipitong takore, ngunit nang may marinig na pinag-uusapan ang dalawang anak ay agad s’yang babalik sa pintuan at dahan-dahang sisilip at lihim na pakikinggan ang usapan ng dalawa. Habang pilit na pinakikinggan ang usapan ay panay-panay ang pag-singhot nito, namumula ang ilong at halatang pinipigil ang pagbahing. Lalong lalakasan ng dalawa ang pag-uusap.)

DAMSEL: Pagkatapos tinanong n’ya ako kuuuung- kung may gagawin daw ba ako bukaaaas! (kikiligin si Damsel habang si Rana ay umaaktong kinikilig din pero mas mahahalata ang pagiging bitter)

RANA: Halaaa! Baka yayain ka n’yang makipag-daaate!

DAMSEL: Aaaay! Sana nga! (kikiligin to the highest level) E ikaw ate? May lakad ka ba, BUKAS? (didiinan ang salitang “bukas” kasabay ng kindat ng mata)

RANA:  Bukaas? Ay oo naman no! Ako pa ba? Mawawalan ng lakad? BUKAS?! (tatawa) S’yempre hindi, o kilala mo si ano?

DAMSEL: Sinoooo?

RANA: Si… si… (maghahagilap ng pangalan habang naka-kunot ang noo at tinatapik-tapik ang lamesa)

DAMSEL: Sino nga ate?! (pasulyap-sulyap sa pintuan at tinitignan ang reaksyon ng Ina)

RANA: (Mapapa-tingin sa litrato ni Jesus Christ, makaka-isip ng ideya) Si Papa Jes—(ngingiwi ang bibig at mukha)—issss! (pilit na ngingiti at mamatahan ang kapatid para maintindihan nito ang ibig n’yang sabihin)

DAMSEL: (nganga) Ha?

RANA: Si Jisis! Si Jisis ang ka-date ko.

DAMSEL: (Dahan-dahang lilingunin ang litrato ni Jesus Christ at pipigilan ang pagtawa) Aaaahh! Jisiiiss! Si Papa J! Yung hunk! (gagawin ang macho pose) Ikaw ha, Papa J pala ha. (tatawa ng nakakaloko)

RANA: (Tawang napipikon, halatang nag-pipigil dahil binabantayan din n’ya ang reaksyon ng Ina)

DAMSEL: Wow ha. Niyaya ka n’yaaa?

RANA: (pikon padin ngunit pinipilit ngumiti) Yessss.

DAMSEL: Saan?!

RANA: D’yan lang-

DAMSEL: Sa HEAVEN?! (Tawang nakaka-loko. Makikita ang pagka-gulat sa mukha ni Babelyn. Mapapa-hawak s’ya sa naka-ngangang bibig sa pag-aakalang motel  ang sinasabing heaven ng anak)

RANA: (Biglang tatawa din ng nakakaloko) Alam mo ‘yaaan!  (pabulong) Gusto mong mauna sa heaven? Hmnnn?

DAMSEL: (Mapapa-tigil sa pagtawa. Magki-clear ng throat.)

RANA: (aabutan ng tubig ang kapatid) O, tubig o. Takot ka sa heaven?

(Sa puntong ito makikita ang sobrang pagka-bugnot ng naka-silip na si Babelyn, wari’y hindi n’ya nagustuhan ang mga narinig, tatahimik na din ang dalawa dahil parang napikon si Rana sa Papa Jisis at heaven na topic. Ipagpapatuloy na nila ang pagkain kung kaya’t aalingawngaw sa kusina ang makabasag pinggang pito ng takore)

BABELYN: (Dali-daling tutunguhin ang takore) Hay! Nako! Ang tubig! (hindi na mapipigilan ang pagbahing)

(Maninigas ang dalawa at lihim na magtitinginan)

RANA: Hi Mama! Good morning!  (Tatayo at hahalik sa Ina)

BABELYN: Morning. (pupunasan ang pisngi na hinalikan ni Rana) Ano ba ‘yan ‘nak, nag-mumog kaba?

DAMSEL: (Biglang tatawa) Nice one ate!

RANA: Mama naman! Buti nga may good morning kiss pako sa’yo e. (bubusangot)

BABELYN: (Matatawa at lalapit sa lamesa) Oo nga naman, samantalang ‘yung isa d’yan wala man lang halik sa Ina n’ya!

DAMSEL: (Ngingiti saka tatayo at hahalik) Good morning, Ma.

BABELYN: Good morning. (Titingnan ang kumakaing mga anak at hahaplusin sa buhok) O, pagkatapos n’yong kumain nakahanda na ang mainit na tubig pampaligo ah.

RANA: Thanks, Ma.

DAMSEL:  Salamat, Ma.

BABELYN: Okay. Mmm… Ano nga pala ang date ngayon mga anak?

(Magkakatinginan ang dalawa at sabay na sasagot)

DAMSEL: 12!

RANA: 11!

DAMSEL: Ano ba talaga? (Kay Rana)

RANA: Hindi nga natin alam e!

BABELYN: (Pabaling-baling na titingin sa dalawa, pilit na ngingiti) Ahhh.. E, anong date na bukas?

RANA at DAMSEL: (Sa masayang tono) 14!

DAMSEL: Valentines na kaya ‘Ma!

RANA: Tamaaa!

(At muling pagkukwentuhan ng dalawa sina Vic at Jesus Christ na tinatago nila sa pangalan na Jisis. Mawawalan ng tuluyan ang ngiti ni Babelyn at lalayo sa dalawa, maghahalungkat ng kung anu-ano sa kusina)

DAMSEL: Saan kaya ako dadalhin ni Vic sa date namin?! Sana sa Rustan’s Mall nalang!

RANA: Ambisyosa! 3rd year high school ka palang uma-ambisyon kanang makipag-date sa Rustan’s! Baka sa kwek-kwek lang ang bagsak n’yo n’yan! (evil laugh)

DAMSEL: Kahit saan pa ’yan no! Okay lang kasi pogi naman s’ya eeeee!

RANA: Ay nako, magtigil ka Damsel, basta ako ihahanda ko na ‘yung cocktail dress ko mamaya.

DAMSEL: Bakit? Magka-cocktail dress ka sa heaven?

RANA: Isa pang heaven mo, pauunahin kita doon!

DAMSEL: Ay, o sige, kayo nalang ang mag-date sa Rustan’s!

(Super laugh trip ang dalawa na sasabayan pa ng impit na pagtili, at tuluyan nang hindi makakapag-pigil si Babelyn. Ibabagsak ang takip ng kaserola, matitigilan ang dalawa)

DAMSEL: Mama, galit kaba?

BABELYN: Sino na naman ‘yan Jisis na ‘yan Rana?!

DAMSEL: (magpipigil ng tawa)

RANA: Hmmm. Friend ko lang ‘yun, ‘Ma.

BABELYN: Umayos ka Rana ah. Alam mo na naman na siguro kung ano ang tinutukoy ko.

RANA: Hay nako, past is past na Mama no.

BABELYN: Heh! (Sa magkapatid) Anong oras na? Kanina pa kayo daldalan ng daldalan d’yan! Wala ba kayong balak pumasok?

RANA: Papasok po. Damsel! Tara na!

DAMSEL: Ha?

BABELYN: (Makikita ang mga kanin na natapon sa lamesa) Kita n’yo! Ganyan ba kumain ang mga babae?!  Ang kalat-kalat n’yo kumain!

DAMSEL: Si ateee. Galing sa bunganga n’ya ‘yan eh.

RANA: Anong ako? Ikaw d’yan!-

BABELYN: Ayan! Magturuan pa kayo! Ikaw Rana! Disi-otso kana hindi ka parin marunong kumain ng masinop! Parang hindi ka dalaga! Saka pwede ba, mag-mumog ka naman pagka-gising mo! Hahalik halik ka ang baho naman ng hininga mo! (Sabay angat sa takip ng kaldero) At sinong nag-sandok ng KANIN?!

RANA: Yaaaan! Si Damsel!

DAMSEL: O ano?! Dineny ko ba?!

BABELYN: Hala sige ipagmalaki mo! Parang kinahig ng manok yung kanin dito! Diba sabi ko ku-krusan n’yo muna n’yo muna bago kayo sumandok?! Wala kayong galang sa grasya! Haysosmaryosep! (Sasapuin ng kamay ang noo kaya madadako ang tingin sa kisame)

RANA: (Kay Damsel) Pssst! Tara na!

BABELYN: (Manlalaki ang mga mata sa makikita sa kisame) Hay! Lilintukan Rana! Kailan ko pa sinabi na tanggalin mo ang agiw sa kisame?!

RANA: Last week po…

DAMSEL: Anong last week? Last month!

RANA: Wow ha, alam na alam!

DAMSEL: S’yempre tandang tanda ko kaya!

RANA: E di sana ikaw na ang nagtanggal ng agiw!

DAMSEL: Hala, ayos ka ha! Ako na nga ang nagbunot ng buhok sa kilikili ni Mama ako pang gagawa n’yan?!

BABELYN: Ah ganon?!  At ako pa pala ang may kasalanan?!

DAMSEL: E kasi si ate ehh.

RANA: (Sa seryosong tono) Eh, ‘Ma, magkano lang naman kasi ang blade eh.

DAMSEL: (Bubungisngis)

BABELYN: Kayong dalawa! Ang aga-aga pinasasama n’yo ang loob ko! (Babahing ng ubod lakas)

RANA: Sorry Mama. (Pigil na pigil ang tawa na nakatingin sa kapatid nagpapainosente ng mukha)

BABELYN: Heh! At higit sa lahat, ‘yong takore! Ang lakas-lakas na nga pito ni hindi n’yo man lang inalis sa kalan! Kapag sumingaw ng sumingaw ‘yang tubig, matutuyo ‘yan! Sayang na ang tubig, saying pa ang uling! Alam n’yo ba kung magkano ang uling?!

DAMSEL: Sorry Mama, nakalimutan lang po.

BABELYN: Wan-fipty ‘yan! Hindi pa nga nababayaran! At bakit n’yo nakalimutan?! (Tutunguhin ang radio at papatayin) Ang problema kasi e masyado kayong atat sa Valentines na iyan! Ang problema, Valentines lang ang naalala n’yo!

RANA: (Ngingiti ng palihim) Ayuuuun!

BABELYN: (Mawawala ang galit at mauutal) A-ano?

RANA: Bakit ‘Ma, ano pa bang meron bukas BUKOD sa Valentines?

DAMSEL: oo nga, Mama. Anong meron?

BABELYN: (lalong maiinis) Aba’y ewan ko sa inyo! Mga walang pakialam! Akala n’yo naman ay sigurado kayong ide-date ng mga karas ninyo!

DAMSEL: Ay nako Mama ha, ‘wag mong ina-under-estimate ang imagination ni ate!

RANA: Hoy! Imagination ka d’yan! Reality ‘yun! Ide-date ako ni Jisis!

DAMSEL: Lalo naman ako no, totoo kaya si Vic- I mean, niyaya kaya ako ni Vic- oo ko nalang hinhintay no’n. (tatawa)

BABELYN: (Ibabagsak ang takip ng kaserola, gigil na gigil at sa nagtitimping tono) TO-GE. (Hihinga ng malalim) To-ge pala ang u-lam.

RANA: Ahh. Yes Ma, kayo po ang nagluto n’yan kanina.

BABELYN: Naka-limutan ko, bakit? Masama bang maka-limot? Kayo nga kung makalimot sobra-sobra eh.  (Lalakad palabas, titigil sa pinto at titingnan ang walis) Nasa’n ang mga kalat dito?

RANA: Sabi na may sentimental value yun eh.

BABELYN:  (Manlalaki ang mga mata) Ano?

RANA: Wala Mama, winalis ko na kanina.

BABELYN: (Malungkot na babaling ang tingin sa mga anak saka ulit lalakad) Palagi n’yo nalang pinasasama ang loob ko. (Lalabas. Maririnig ang sunod sunod na pagbahing sa labas ng kusina)

DAMSEL: Ang daming sama ng loob ni Mama ah. (tatawa)

RANA: (Hahalakhak) Sabi ko sa’yo kanina, tara na eh. Na-pacific-ring-of-fire tuloy tayo. Maka-ligo na nga.

DAMSEL: (Tatawa) Bilisan mo ah.

***Itutuloy…

© Gia Marie 2016
Protected by Copyscape

Posted in Journal

To Someone Who I Want To Call Mine

1:00am

To someone who I want to call Mine,

It all happened during the time when I didn’t expect anything to happen. It all started during the time when I was on my strongest self. Defenses up. Full of confidence. Smarter. Fearless. It all happened when I am at my best. “You” happened during the time when I’ve already recovered and yes, wholeheartedly speaking, whole. So please never assume that I just talk to you because I am bored with my life.

You are the most unexpected event that has happened to me this year. Unexpected because, well, who, in her deepest sense of sanity, would ever think of liking her rival? Silly as it may sound, but that was 12 midnight and I found myself laughing sooo hard, talking nonsense to someone who I barely know, and, fuck the holy shit, yes, I liked it. Yes, I was happy. Yes I am happy. And I’ve never been that happy, this happy since time immemorial especially, given the fact that we’ve only met once. How possible is it on Earth to get so close to someone who didn’t leave a good impression on you? Well, I guess it’s all possible when your ideas jive with each other. I don’t know but if you’ve been honest with me since day one, I could say that we – hit – it -off. And I say it in a very well enunciated manner of speaking.

Sorry, I could no longer enumerate sweet actions we’ve been throwing on one another. Not that I don’t remember them. It is because remembering them makes me believe that we are more than what we are right now. Aside from that, I still want to keep some things private from the eyes of people reading this as of the moment. Chos people, chos. Hahaah.

Everything that I know about you is special. You are special. And being your friend does not give me satisfaction. Hey, I’m not putting you anywhere unstable. Really. You are actually, in the safest place of my being; in my heart. Congratulations, you’ve gone that far, you are now in charge of my happiness.

I hope you know that I am not afraid of telling my friends… our friends about you and me. You know what I’m really scared of ? It’s you, not saying anything. It’s you who sends mixed signals. It’s you who put me in a very confusing situation. It’s you who distracts the difference between being lovers and being friends. Since day one, I’ve been thinking of your intention in approaching me. You confuse me a lot. Are you really that friendly? Because I am not. And I am acting like this because I like you. I + the strongest feeling on Earth + you. (If ever you ask for the formula. )

My question is, are you gonna stay? Because if we are not on the same page, might as well tell me. Tell me politely that I am wrong. Tell me politely that the letter I’ve read days ago did not come from you.

Tell me, I’m sorry ( insert my first and second names,) the feeling is not mutual.

Please tell me because I’m beginning to build my world around you. And I don’t want to take the risk if it means I’m gonna lose you. I can be your friend but I would love to be more than that.

I know you’ll read this. Please, if we are on the same page, tell me. I would love to hear it coming from you. But, if I am wrong about everything that I thought we are, let’s just stop. Help me save the pride I’ve been dying to give myself.

Since I’ve already told you everything, I’ll start to wait. I want to know whatever your answer is…

2:40 am

© Gia Marie 2016
Protected by Copyscape

Posted in poem

Mama

Mama, please don’t grow old yet

I know I’m a baby no more

But I’ve been with you since I knew the world

And  I knew it knowing you are strong

 

Mama, please don’t show your age

For if you do, it will show mine

And I’ll be reminded of the reasons

Where you get those lines beside your eyes

 

Mama, please don’t stop talking

Be angry if you want

Laugh as much as you please

Just don’t be silent and sad

 

For your silence

Feels like a night without the moon

A party without the guests

And a pocket without a penny

 

Mama, please keep your hearing clear

‘Cause I want you to know my thoughts

Every night while others are asleep

And listen to my dreams in the morning, while others have their cup of coffee

 

Mama, let’s sing songs of love together

And I want you to sing even if we’re apart

For I want others to hear the reason

Why I had the sweetest dreams at night

 

Mama, please don’t grow old yet

I know I’m a baby no more

But I’ve been with you since I knew the world

And  I knew it knowing you are strong

* * *

This is the poem that I wrote the first time that I had to bring my mother to the clinic.

It was New Year’s Eve back in 2014 when she had a hard time breathing. We suspect that it was asthma since the firecrackers were everywhere. I was really worried that time because the nearest clinic was closed. So we went to another clinic. However, the doctor’s assistant refused to sell us medicines because my mother had no prescription from the doctor. He suggested that we wait for the doctor because she left to attend a New Year’s Eve Mass.  Anyway, the clinic is located just beside the doctor’s house.

Minutes later the doctor came. That time  mother was already catching her breath. What bothered me even more was the hissing sound that I hear every time she inhales and how pale her face was.

Knowing the urgency in my mother’s situation, the assistant immediately went outside the clinic to inform the doctor about my mom. I can see them talking through the transparent door. To my surprise, the doctor didn’t even bother to throw us a glance. She made her way inside her house and the assistant returned in the clinic telling us that the doctor cannot check on my mother because it was a holiday. Yes. I repeat, the doctor cannot check on my mom because it was fucking holiday! There was a patient and she cannot perform her effin’ job because she had to observe  New Year’s Eve. Is that what the sermon was all about? Pathetic. That time, I swear, I was already killing a doctor inside my head.

So the assistant ended in giving us instructions on how to perform first aid to help my mom feel better. Stupid, isn’t he? He could’ve done that earlier while we were waiting. Kaloka!

That night, we went home and celebrated New Year’s Eve with worries in our hearts, if you could still call that a celebration, e ‘di wow sa’yo. 

That same night, as I went to bed, I came up with a prayer;

Don’t let her age and feel sick. Not now. Not ever. 

 

 

© Gia Marie 2016

Protected by Copyscape

 

Posted in poem

Invisibly

 

Mr. Sunny went to Paris

But that didn’t matter much

For that place will always be visible

Even if I close my eyes

1649728015259280

 

Mr. Sunny might spend some time in Brooklyn

But that won’t matter much

For Brooklyn is  just a step away

From where I would always stand

1649728291925919

 

Mr. Sunny might jog around the parks of New York

But that won’t matter much

For New York will never be big enough

For me to lose track of my man

1649684838596931

 

Mr. Sunny may climb the mountains of Ireland

But that won’t matter much

For I know he’ll remember me once he climb

And he’ll remember how I push myself up to be with him on the top

1673445069554241.jpg

 

And he’ll remember how I catch my breath every time we’ll stop

And he’ll remember how amaze I am

I’m amaze with the mountains

But I’m more than amaze with him

 

And of all the things that might happen

This is something that would always matter to me

That Mr. Sunny, remembers me

And that’s going to be wonderful

 

And it’s going to be enough

It’s going to be more than enough

To remember the people you love

Even if they are far

 

So Mr. Sunny went to Paris

He’ll spend some time in Brooklyn

He’ll jog around the parks of New York

He’ll climb the mountains of Ireland

 

And he’ll remember me

And that’s going to be

His ultimate adventure

To be with me, invisibly


Who is Mr. Sunny?

Let’s get into the point, who is Mr. Sunny? Well, as what was told in the poem, “that didn’t matter much.” Char! Hahaha! 

Mr. Sunny is someone whom I was afraid to lose. Not until I realize that I had actually nothing to “lose”  because he was never mine. He used to be the subject of my poems and my drawings.

You know what’s good about you-like-him-but-he-doesn’t-like-you-back kind of story? It is the fact that you two don’t really have a story together, it is just you all along. You are not on the same page, you are alone somewhere in that chapter of  life where you have to learn that law of attraction sometimes fail. That means, you alone can decide when to stop and when to move forward.

Cheers, Butterflies! 🙂

© Gia Marie 2016
Protected by Copyscape

Posted in poem

May Ako Kaba?

Nagkaroon kanaba ng ibon?

Ng aso?

Ng pusa?

Ng pagong?

 

O ng kahit na anong nilalang na inari mo noon bilang paslit;

na humahabol sa iyo sa kahit saan ka mag-suot at magpiit;

ng nilalang na walang ninais kundi ang makalaro ka at hawakan mo ng mahigpit;

ng nilalang na gustong ang bawat ingay mo’y naririnig?

 

Nagkaroon kanaba ng bagay na humihinga na ang tingin sa’yo ay daigdig?

Daigdig na dahilan ng pagsulpot ng lahat ng bagay sa paligid;

Daigdig na kumukulong sa lupa at sa langit;

Daigdig na walang kaparang dinadaig?

 

Nagkaroon kanaba ng dalangin?

Dalangin na lagi mong sinasambit sa gabi;

Dalangin na inaabangan mong dumating;

Dalangin na  gustong-gusto mong makamit?

 

Nagkaroon kanaba ng ako?

Ng ako na inari mo noon na parang paslit;

Ng ako na humahabol sa iyo sa kahit saan ka mag-suot at magpiit;

ng ako na walang ninais kundi ang makalaro ka at hawakan mo ng mahigpit;

ng ako na gustong ang bawat ingay mo’y naririnig?

 

Nagkaroon kanaba ng ako?

Ng ako na ang tingin sa’yo ay daigdig?

Dahil ikaw dahilan ng pagsulpot ng lahat ng bagay sa paligid;

Dahil ikaw ang kumukulong sa lupa at sa langit;

Dahil sa akin wala kang kaparang dinadaig?

 

Nagkaroon kanaba ng ako?

Ng ako na lagi mong sinasambit sa gabi;

Ng ako na inaabangan mong dumating;

Ng ako na  gustong-gusto mong makamit?

 

At kung ako ay dumating?

Sa anyong hindi mo mapapansin

Ituturing mo parin bang daigdig?

Iisipin mo bang nasagot na ang iyong dalangin?

 

At kung ako ay dumating

Sa katauhang taliwas sa iyong nais

Hahawakan mo parin ba ng mahigpit

Ang kamay ko ng katulad ng paghawak ng isang paslit?

 

At kung ako ay dumating

Na iba ang bihis

Ako ba’y mapapansin?

O dadaanan mo lang ng mabilis at sandaling tingin?

 

Mahal

Palagi mo sanang tatandaan,

Na kahit kailan ay hindi iikot pabalik ang daigdig,

Kung ako man ay palalampasin, hinding hindi kita lilingunin

 

Sapagkat Mahal

 ‘wag mo sanang kalilimutan,

Lahat ng dalangin ay sinasagot,

Ngunit hindi lahat ay maaari mong makamit

 

Dahil mahal,

Alam kong alam mo, at alam natin itong pareho

Na mas kailangan mo ng ako,

Kesa kailangan ko ng ikaw

© Gia Marie 2016